Album Review



Play It Forward 2 – Women’s Day Benefit Show Compilation CD
by: Ebong Parkas Atropos

Isa na naman astig na compilation mula sa Freedom Pad Zine at Fanmode Distro featuring some kickass women in pinoy underground scene. Iba’t ibang "rock" genre ang kasama dito. From punk, hc, shoegaze, indie-rock, pop, metal, prog-rock and ska/reggae etc. Kaya yung mga macho hardcore boys jan, mag-isip muna kayo bago mag-flex ng mga muscle at mag-handa sa slam pit dahil sa compilation na ito... tiyak may kalalagyan kayo mga kolokoy!

Tiger Pussy, Cebu’s leading Riot punk band ang bumulaga sa unang track ng compilation mula sa full length album nila. Guys, unang track palang ay mararamdaman mo na ang sipa sa yagbols. Sakit!

Ang Bandang Shirley the sweet indie pop na me malagkit na kagat ng shoegaze guitar noise, which nakilala ang BS sa pag-gawa ng mga kantang nakaka-indayog. Matagal ko na gusto makakuha ng album nila. Game Theory, progressive rock with pop vocals. Yun na yata ang pinakamalapit na description sa sound ng Game Theory.

Mapapasayaw ka rin sa The Dandimites – Makati’s female fronted reggae-ska groovie soul. Random Violence – 44 sec raw hardcore-punk song na kasing tigas ng karne ng kalabaw na half-cooked! Kung sinuman ang papantay sa bilis at angas nila ay bibigyan ko ng kendi ok?! Good stuff from Still Ill Records.

Serenus ang metal influenced ala Lacuna Coil/Evanescence na mapapa-bang ang head at the same time maaakit sa boses. Shoegaze pop Identikit at ang electro-noise indie rock na Tether ay nag-ambag din ng ingay sa compilation na ito. From Still Ill records, isa sa mga paborito kong hardcore band ang Value Lasts ay kasama rin sa compilation na ito. Boston influenced hardcore with lots of positive lyrics (Denver RIP).

Unreleased na kanta ng Laguna punk Aunt Audrey na balita ko nirecord pa ni Bebot yung vocal tracks sa Dubai. Fanatic Dream popsters Soft Pilllow Kisses ang isa sa closing track na tamang pampatulog. Huling track ang pinoy 90’s band Velvet featuring ex members ng Bad Days for Mary (na sa huli ang hidden track ng BDFM which nairecord pa nung dekada 90).

2nd First time na nakapag-release ang Freedom Pad zine ng quality compilation but this time. Outstanding ito because women power at gender equality ang peg nito. Nag-enjoy ako sa compilation dahil busog sa diversity na hindi nakakaumay.

Hats off para sa Freedom Pad for the 100% girl effort!


[source: Timog Bulletin]


Do you want to review or have you written a review of the album?


  Add Your Review

Contact Form

Name

Email *

Message *